Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Mismong ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na ang
humiling sa Sangguniang Bayan ng Malay upang magkaroon ng joint session para
mapag-usapan ang mga kulang pang dukomento sa Comprehensive Land Use Plan o CLUP
ng Boracay.
Subalit sinabi ni SP Secretary Odon Bandiola na hindi pa
nila alam kung kailan ito mangyayari dahil wala pang sagot ang SB kung kaylan
nila isasagawa ang joint session dito sa Boracay.
Ayon kay Bandiola, marami pang mga dokumento ang kulang
upang lubusan nang maaprobahan ang CLUP.
Kaya kailangan pa itong pagdebatihan sa Land Use Committee
na binubuo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) at Tourism.
Target sana umano nila na isigawa ang joint session na ito
sa susunod ng buwan ng Setyembre o Oktubre.
Samantala, sa bahagi naman ng SB Malay, maging ang mga ito
ay nagtataka rin kung bakit kailangan pang magkaroon ng joint session gayong
halos apat na taon na nilang tinatrabaho ang CLUP na ito at lahat ng
hinihinging amendments ay ginawa na nila subalit bigo pa rin maipasa at
ma-aprobahan ng SP.
Ang CLUP ay siyang magsasabi kung saang bahagi pa ng isla
ang dapat at hindi na dapat paglatagan ng gusali o straktura, para maayos na ang
mga mali sa Boracay batay sa mapa ng isla.
No comments:
Post a Comment