Itinanggi ngayon ng Philippine Coastguard ang kumakalat na
balitang may tatlong namatay sa pagkalunod sa Boracay nitong linggo.
Ayon kay PO1st Bobby Elbano ng Coastguard Boracay, maging
sila ay hindi alam kung saan nanggaling ang naturang impormasyon gayong sila ay
may hawak namang datos ng mga kahalintulad na insidente sa Boracay.
Lumabas kasi umano sa national media na tatlo ang nalunod at
namatay dito, dahilan upang halungkatin nila ang kanilang mga datos upang
magpaliwanag sa kanilang district command.
Ayon kay Elbano, may mga nabiktima nga ng pagkalunod dito sa
isla subali’t sa tatlong magkahiwalay na petsa.
Isa na rito ang nangyari nitong Hulyo 29 kung saan namatay
ang isang 18-anyos na babaeng taga Iloilo.
At ang iba umano’y kinumpirma na lamang sa kanila ng ospital
kung saan ang biktima ay isang Korean national.
Sinabi naman ni Elbano na kung may mga kahalintulad na
insidente sa Boracay at walang nakapagbibigay sa kanila ng impormasyon ay
obligasyon parin nila itong imbistigahan at kumpirmahin.
No comments:
Post a Comment