Nagpahayag ngayon ng kahandaan ang lokal na pamahalaan ng
Malay, kaugnay sa pagpasok ng bagyo sa bansa.
Kampanteng sinabi ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa
sa panayam ng himpilang ito kaninang umaga, na naririyan naman ang Disaster
Risk Reduction Management ng lokal na pamahalaang Malay at Boracay.
Maliban dito, marami naman umanong mga nakaalertong ahensiya
ng gobyerno, mga aktibong grupo at mga volunteers sa Boracay na nakahandang
umalalay katulad ng Boracay Action Group at Red Cross.
Samantala, bagama’t sinabi nitong nakahanda nga ang LGU
Malay, dalangin naman ni Sadiasa na huwag namang tumama sa Malay at Boracay,
ang kalamidad na naranasan ng Kamaynilaan at ibang parte ng Luzon.
No comments:
Post a Comment