Sa kabila ng ordinansang ipinapatupad na nagbabawal sa paglalatag o
paglalagay ng anumang mga istraktura sa vegetation area ng Boracay, inamin
ngayon ni Island administrator Glenn SacapaƱo, na may verbal na kasunduan o
usapan sila ng mga resort na nagmamay-ari ng mga istraktura o tent dito.
Paliwanag ni SacapaƱo, maaari din naman umano kasing mapakinabangan ng mga
turista ang mga tent na ito kapag umuulan at mainit ang panahon.
Nagsisilbi din umano ito bilang silungan sa umaga at sa gabi ay restorant
at kung anumang serbisyong pang entertainment na inilalatag ng mga
establisemyentong ito.
Subali’t klaro naman aniya sa napag-usapan nila na hindi gagamitin ang
vegetation area na ito sa araw o lagyan ng mga mesa at bangko, at tanging kapag
gabi lamang para sa kani-kanilang aktibidad.
Gayon pa man, sinabi nito na walang permit na ibinibigay sa mga resort na
may tent sa sa front beach o binabayaran sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Dagdag pa nito na kung nanaisin naman sana nila bilang taga pagpatupad ng
ordinansa na tanggalin ang mga tent na ito ay maaari naman aniya, pero sa hindi
naman umano ikabibigla ang lahat.
No comments:
Post a Comment