Tapos at dumaan na sa mga kamay ang Municipal Planning Office ang Program
of Works na inihanda ng Engineering Department ng lokal na pamahalaan ng Malay
para sa drainage system sa sitio Lugutan Manoc-manoc.
Katunayan, ayon Alma Beliherdo Municipal Planning Officer ng Malay, tatlong
araw umano matapos silang isalang sa pangungusisa o imbestigasyon ng
Sangguniang Bayan kaugnay sa proyektong ito.
Isinumite din umano agad ng Engineering Department sa kanila ang
nanawawalang program of works na noong una ay pinaniniwalang naipit umano sa di
malamang tanggapan ng departamento ng LGU Malay.
Kaya kaagad din itong ginawan ng Municipal Planning officer ng resulosyon,
upang masimulan ang proyekto anumang oras.
Pero sa kasalukuyan, wala aniyang alam si Beliherdo kung kung kelan ito
sisimulan ng Engineering Department, dahil naibalik na umano sa kanila ang
program of works kasama ang resolusyon at may nakahanda naman aniyang pondo
para sa implementasyon ng proyekto.
No comments:
Post a Comment