Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Kahit sa simpleng paraan tuloy ang pakikiisa at ipagdiriwang parin ng
Community Environment and Natural Resources Office o CENRO-Boracay ang Earth
day celebration.
Ayon kay Johnny Adaniel, Public Information Officer ng CENRO Boracay,
magiging bahagi ng selebrasyon na ito ay ang pagkakaroon ng Clean Up Drive sa
front beach na pangu-ngunahan ng Boracay Foundation Inc. (BFI) at Boracay Beach Management Program
(BBMP) sa darating na Biyernes.
Maliban dito, sa nasabing araw din umano, mismong magsisimula sa tanggapan
ng CENRO Boracay ang pagsubok nila na iwasan
na ang pag-gamit ng supot o plastic bag para makita nila kung ano ang
epekto nito sa pang-araw araw at sa isang araw na obserbasyon lang nila, saka
na lamang umano nila ito isulong para ipatupad kung sakali.
Dagdag pa nito, aasahan din ayon kay Adaniel na magkakaroon sila ng
information drive sa mga piling delegado mula sa iba’t ibang sector upang ipaabot ang mga mahahalagang bagay ukol
sa Climate Change.
Ang Earth Day Celebration ay pinagtibay ng Presidential Proclamation no. 1481
ng Abril 22.
No comments:
Post a Comment