Sa presinto na ng Boracay PNP natulog ang dalawang lalaki, matapos
matimbog ng mga otoridad sa isang buy-bust operation.
Sa report ng Boracay Police nakilala ang mga suspek na sina Aquilino
Calawag ng Tibiao Antique at Eric Dizon ng Oriental Mindoro.
Nabatid na mag-aala una ng madaling araw kanina nang magsagawa ng buy-bust
operation ang mga otoridad sa barangay Balabag na nagresulta sa pagkakaaresto
ng mga suspek.
Narekober naman sa mga ito ang dalawang transparent plastic sachet ng
hinihinalang shabu na nakatakdang ipasuri sa crime laboratory.
Kasalukuyang nasa kostodiya ng Boracay PNP ang mga suspek para sa
karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment