Isiniwalat ni SB Member Welbec Gelito sa sisyon kahapon na may problema
talaga ang ilang department heads ng LGU Malay dahil hindi maganda ang kanilang
relasyon sa bawat isa, batay sa napag-alaman nito.
Kaugnay nito, hiniling ni Gelito na kung maaari ay magpatawag sila sa
konseho ng Committee Hearing, at imbitahan ang mga namumuno sa mga
departamento na sangkot sa pagpapatupad
ng proyekto upang maayos ang anumang sigalot na namamagitan sa mga ito kung
mayroon man, dahil nakakaapekto aniya ang hindi magandang relasyon ng mga ito
sa kani-kanilang obligasyon o trabaho.
Ang pahayag na ito ni Gelito ay kasunod ng napansin nilang problema sa
ilang departamentong sangkot sa implementasyon at paghahanda ng proyekto, sa
kabila aniya na nagkaroon naman ng MANCOM at pulong ang mga ito, pero tila
hindi parin naaayos.
No comments:
Post a Comment