Dumating na ang karagdagan at bagong X-ray machine para sa
Caticlan Jetty Port.
Ito ang kinumpirma ni Marz Bernabe, technical staff ng Jetty
Port.
Ayon dito, aasahang ngayong linggong ito o sa susunod ay
maaari nang magamit ang bagong teknolohiyang ito.
Sapagka’t sa kasalukuyan ay inilalatag na umano nila ang mga
wiring na gagamitin para dito.
Bunsod nito, bubuksan na ang dalawang pinto o entrance ng
holding area ng pantalan at ang lumang X-ray Machine ay ilalaan para sa mga
pumapasok na lokal na residente at mga nagtatrabaho sa Boracay.
Samantala, ang bago naman ay siyang ilalagay din sa isa pang
pinto na para sa mga turista lamang.
Nabatid din mula kay Bernabe na ang bagong X-ray machine na
ito ay siyang latest model na katulad sa ginagamit sa mga paliparan.
No comments:
Post a Comment