Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Kung concerned ang iba sa Boracay, mas lalo na umano ang mga tao sa isla
na dito na nakatira at naghahanapbuhay.
Ito ang reaksyon ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, kasunod
ng pagkasa ng pamahalaang nasyonal ng Task Force para sa Boracay, na siyang
magrerekomenda kay pangulong Noynoy Aquino kung ano ang dapat gawin sa Boracay.
Subalit ayon sa administrador, sino ba naman ang nagging pangulo ng bansa
na hindi concerned sa Boracay.
Pero kapag sabihin umano ng pamahalaang nasyunal na sila ang magaling, ay
wala aniyang mangyayari sa Boracay.
Dahil dati ay hinawakan na umano nila ang isla nguni’t naging problema pa
ito dahil hindi dumaan sa tamang proseso.
Gayunpaman, sinabi nito na kung may maitutulong ang national level sa isla
ay tumulong na lang sila, dahil may ginagawa at malaking papel na ginagampanan
naman aniya ang lokal na pamahalaan at barangay level dito.
Samantala, nangyari umano ang lahat ng suliraing ito sa Boracay, dahil
naniniwala si Sacapaño na halos lahat ng tao dito ay may kontribusyon.
At dahil na rin sa hindi sumusunod ng tama sa batas, kaya kailangang ang
mga tao muna dito ang dapat ayusin bago ang development.
Sinabi din nito na kung nangingi-alam man sa Boracay ngayon ang national
government, iyon ay dahil sa may nakita silang hindi ginagawa sa Boracay, kaya
bakit umano magagalit ang mga tao dito, kung totoo naman ang pagpuna na
ginagawa ng pamahalaang nasyonal at maging ng media.
No comments:
Post a Comment