Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nilinaw ni SB Member Dante Pagsugiron, na ang 10 units ng electric tricycle o e-trike sa Boracay ay hindi pagmamay-ari ng konseho o ng sa lokal na pamahalaan ng Malay, taliwas sa mga naunang napabalita.
Ito ay dahil sa aminado ang nasabing konsehal na lahat ng dukomento katulad ng permit to transport at permit to operate ay nakapangalan sa kaniya lamang at hindi sa SB o LGU man.
Gayon pa man, ang ownership umano ng mga unit na ito ay nananatiling sa supplier pa rin at si Pagsugiron lamang ang namamahala nito sa Boracay.
Maliban dito, aminado rin si Pagsugiron na ang 10 unit na ito dito ngayon hindi yaong programa ng Pangulo o ng Department of Energy (DoE) at Asian Development Bank (ADB), kundi ito pala ay pag-aari ng isang pribadong supplier lamang.
Dahil ang estado ayon sa konsehal ng e-trike na nais ipasok ng DoE at ADB ay wala pang linaw kung kaylan ito ipapatupad sa isla kaya ang mga de kuryenteng sasakyang ito muna ang tinanggap nila.
Kaugnay nito, sakaling matuloy ang ikakasang letter of Inquiry ng Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative o BLTMPC sa konseho para mabatid kung sino talaga ang totoong may-ari ng e-trike na ito.
Maluwag naman umanong tatanggapin ng Sangguniang Bayan kung i-susumite na ito lalo pa kampanti naman ang konsehal na alam na ng BLTMPC ang hinggil sa operasyon ng e-trike dahil kasama din sila sa mga pag-uusap ukol dito.
No comments:
Post a Comment