YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Ilan sa mga narekober na counterfeit money sa Caticlan, kinumpirmang peke ng BSP

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Kinumpirma ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na peke ang ilan sa mga perang narekober ng mga pulis sa Caticlan.

Partikular na tinukoy ng mga ito ang perang narekober mula kay Enrique Lastimoso ng Lambunao Iloilo, na siyang unang natimbog ng mga operatiba.

Ayon sa dalawang ahente ng BSP, peke ang mga nakuhang anim na pirasong tig-iisang libong piso mula sa nasabing suspek.

Kung saan dalawa rito ang lumang pera, at apat naman ang NDS o new denomination series.

Matatandaang ang nasabing suspek ay naunang napasakamay ng mga pulis matapos mahulihan ng pekeng isang libong piso, nakaraang Sabado ng gabi.

Nakatakda namang i-inquest sa prosecutor’s office sa bayan ng Kalibo ang suspek ngayong araw, habang patuloy pa ring pinag-iingat ng mga otoridad ang publiko sa mga kumakalat na pekeng pera dito.

No comments:

Post a Comment