Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Seryosong hiling para ipasuspende ang pag-apruba sa pinal na pagsisiyasat o Cadastral Survey sa Boracay.
Ito ang nais mangyari ngayon ni SB Member Wilbec Gelito, kasunod ng mga natanggap nitong reklamo mula sa mga stakeholders kaugnay sa nagdaang Cadastral Survey sa isla.
Bunsod nito, hiniling ngayon ni Gelito sa konseho na kung maaari ay magpasa ng resolusyon ang Sanggunian upang suspendihin ang pag-aproba sa mga datos na isinumiti ng Sustainable Development Solution (SDS) na siyang nagsagawa ng Cadastral survey sa Boracay, sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa resolusyong nais na isulong, hihilingin naman ng konseho sa DENR Regional Office na huwag munang aprobahan ang pinal na resulta ng nasabing Cadastral Survey.
Sapagka’t maraming stakeholder pa umano sa Boracay ang nagpa-abot ng hinanaing lalo pa’t may ilang isyung hindi pa malinaw partikular ang mgay kaugnayan sa mga lot numbers.
No comments:
Post a Comment