YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Pagdetermina sa peke at totoong pera, Isasapubliko ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Isasa-publiko ngayong araw ng representante ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tamang paraan sa pagdetermina ng peke at totoong pera.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Inspector Fidel Gentallan, Deputy Chief ng Boracay Tourist Assistance Center.

Ito’y may kaugnayan sa nangyaring pagkakatiklo ng mga suspek sa pagpapakalat ng mga pekeng pera sa Boracay at Caticlan nitong nagdaang linggo.

Ayon kay Gentallan, ang sinumang interesadong saksihan ang nasabing munting demonstrasyon ay maaaring sumadya lamang sa estasyon ng pulis sa Boracay.

Maliban kasi sa pagsusuri kahapon ng mga perang nasamsam mula sa mga suspek, nakahanda rin umanong mag extend ng hanggang ngayong araw ang dalawang representante ng Bangko Sentral ng Pilipinas na narito ngayon sa isla, para ibahagi sa publiko ang tamang paraan ng pagkilala ng pekeng pera.

Samantala, ang nasabing hakbang ay depende na lamang umano sa mga nasabing ahente, kung hanggang anong oras ang kaya nilang ibigay para sa naturang aktibidad.

No comments:

Post a Comment