YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

Mga paaralan sa Malay at Boracay, ipapasuri din sa Health Office

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat napaloob sa ipapasang Sanitation Code ng Malay at Boracay na lahat ng mga estudyante ng pribado at pampublikong paaralan ay idadaan sa pagsisiyasat ng Health Office.

Nilinaw sa deliberasyon ng sisyon ng konseho kamakalawa na hindi ibig sabihin nito ay kailangan na rin kumuha ng bawat estudyante ng Health Certificate.

Sapagkat ayon kay Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre, napasama lang din ang mga estudyante, dahil may pasilidad ang mga paaralan katulad ng palikuran na dapat masuri ng Health Office pero hindi ang mga estudyante.

Paglilinaw din ni Aguirre, na lahat nga ng mga empleyado ng mga establishemento sa Boracay ay hindi pinipilit na kumuha ng Health Certificate, maliban sa mga food handler.

At kung hindi man food handler ang mga ito, basta’t empleyado ng food establishment ay kailangan umano itong kumuha ng Health Certificate.

Ang nasabing usapin, ay bahagi parin ng pagdinig ng konseho sa Sanitation Code ng Malay at pag-adopt ng National Sanitation Code.

No comments:

Post a Comment