YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 26, 2012

BLTMPC, nagpahayag ng Open Book sa mga miyembro

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Atensyon sa mga miyembro ng BLTMPC:

Nagpahayag ng kahandaan si Ryan Tubi, Chairman Board of Director ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) sa mga miyembro ng kooperatiba na nais makasilip sa audited na libro ng koop ano mang araw.

Ito ang inihayag ni Tubi sa panayam dito nitong umaga, kasunod ng pagkwestiyon ng ilang miyembro kung bakit hindi buwanan ang pamimigay ng debidendo sa mga ito.

Paliwanag ng Chairman, isang beses sa isang taon ay magkakaroon ng general assembly ng BLTMPC kaya doon na rin nila sinasabay ang pamamahagi ng debidendo sa mga miyembro.

Pero malinaw umanong walang lamangang nangyayari kahit pa isang beses lang itong ginagawa bawat taon dahil binubusisi umano ito ng auditor at inilalatag naman nila ang lahat ng nilalaman ng libro.

Katunayan, mas mabuti na umano ngayon kaysa dati, dahil may natatanggap nang debidendo ang mga miyembro, hindi katulad noong una, na siyang ipinagpasasalamat umano nila sa kasalukuyan.

Samantala, inihayag din ni Tubi na isang beses sa isang taon ang pamamahagi ng dibedindo ang sistemang sinusnod nila dahil ito ang nakasaad sa By Laws ng kooperatiba. 

No comments:

Post a Comment