Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
May nakahanda nang sulat ng pagtatanong ang Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative (BLTMPC) sa Sangguniang Bayan ng Malay ukol sa operasyon ng e-trike sa Boracay.
Ayon kay BLTMPC Chairman Ryan Tubi, layunin ng nakatakda nilang pagtatanong sa konseho ay malaman kung sino talaga ang may-ari ng sampung e-trike na ito, ng sa ganon ay doon nila sa totoong may-ari ipa-abot ang kanilang mga obserbasyon.
Sa pagkaka-alam aniya nila ay pang test drive lamang sa Boracay ang pinaka-layunin ng mga unit na ito.
Subalit nagtataka din sila kung bakit naninigil ng pamasahe at sinusunod ang gamit na taripa ng kooperatiba.
Kung saan ang paniningil ng e-trike ang isa sa inaalburuto naman ng mga driver ng tricycle sa kasalukuyan.
Samantala, bagamat ang suliraning ito ay ilang buwan na rin napupuna ng mga driver sa Boracay, hindi ibig sabihin ayon kay Tubi na wala nang aksiyon ang kooperatiba hinggil dito lalo pa at apektado ang kabuhayan ng mga drivers na nagrereklamo.
No comments:
Post a Comment