Posted September 28, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay

Sa pamamagitan ng sulat, idinaan ng kapitana kay
Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang kanyang suliranin para matalakay
sa plenaryo ng SB at mabigyang linaw kung ano ang mga dahilan kung bakit ito nangyari.
Sa pagtatanong ng mga konsehal, ayon kay Bids and Award
Committee Chairman at MPDC Head Alma Belejerdo, dumaan sa bidding at
na-aprobahan ang budget na mahigit P 8 Million para sa dalawang lote na may
estimated 11,000 cubic meter na residual waste.
Nahinto raw ang paghahakot ng nanalong bidder na JCV
Lines ni Vidal Villaruz dahil umano sa nahakot na nila ang volume na dapat
hakutin.
Ani Belejerdo, hindi pa nababayaran ang contractor dahil
sa problemang ito na hindi tinapos ang paghakot kahit na lumalabas na namali ng
estimate si Engr. Solano sa kabuuang volume ng basura kaya humantong sa
paghinto ng paghahakot.
Apela ngayon ni SacapaƱo, dapat ubusin na ang paghakot ng
basura dahil may inaprobahang kontrata.

Sa paglilinaw ni Solid Waste Manager Otic Macavinta, wala
pa siya sa solid waste ng mangyari ang kontrata at kung sa paghahakot naman ng
basura mula Balabag papuntang ManocManoc, dinahilan nito na hindi kayang
pumasok ng malalaking truck sa naturang lugar kaya magkahiwalay ang ginagawang
trip ng mga haulers.
Samantala, dahil sa pera ng bayan ang ginamit sa mga
kontrata at ibinayad sa mga contractor, suhestyon ni SB Gallenero na mag
usap-usap na lang ang mga involve na contractor kung sa papaanong paraan
mahakot ang natirang basura sa MRF Balabag.
No comments:
Post a Comment