YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 28, 2017

German National, natagpuang patay sa kanyang kwarto

Posted September 28, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for heart attackWala nang buhay ng madatnan ang isang German National sa kanyang tinutuluyang resort dito sa isla ng Boracay.

Base sa report ng live-in partner ng biktima sa Boracay PNP, galing umano siya sa kanyang Therapy Class at sa pag-uwi niya ay nakita nalang nito na wala ng buhay ang 48-anyos na kinakasamang German national na si Kondrad Lothar Beckman.

Dali-dali naman itong humingi ng tulong sa mga tao sa lugar upang maidala sa pinakamalapit na pagamutan para ma revive si Beckman.

Subalit, ayon sa doktor na sumuri ay atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ang bangkay nito ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment