Posted September 27, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay Nurse II Madel Joy Tayco
ng Municipal Health Office ,sa taong ito ay wala umanong nakumpirma na kaso ng
rabies sa isla katulad sa nakalipas na taon.
Kaugnay nito ang ahensya naman ng MHO ay may isinasagawang
information, education and communication (IEC) campaigns para mabigayan ng
kaukulang impormasyon ang publiko.
Nabatid naman na mayroong animal bite center sa Bayan ng
Ibajay at Kalibo na maaaring agad na puntahan ng mga nabiktima ng kagat ng aso.
Magugunitang taong 2013 tanging ang isla ng Guimaras at
Boracay lamang ang kauna-unahang lugar sa Western Visayas ang idineklarang
rabies free.
Ang World Rabies Day ay taunang selebrasyon sa buong
mundo tuwing ika-28 sa buwan ng Setyembre.
No comments:
Post a Comment