YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, September 30, 2017

China, nagsagawa ng feasibility study para sa itatayong Iloilo – Guimaras - Negros bridge

Posted September 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for Iloilo – Guimaras - Negros bridgeNagsagawa ng inspeksyon at pag-aaral ang mga opisyal ng isang Chinese corporation para sa isang feasibility study sa itatayong tulay na magdudugtong sa Iloilo, Guimaras at Negros Island.

Nag-courtesy call ang China Communications Construction Company (CCCC) Highway Consultants Co. Ltd. na nakabase sa Beijing kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Governors Office ng Guimaras.

Ang layunin ng mga ito ay para tingnan at pagplanuhan ang gagawing construction na magkokonekta sa itatayong Iloilo, Guimaras at Negros bridge sa lugar kung ito ba ay posibleng gawin.

Kasama ng mga kinatawan mula sa nabanggit na Chinese builders ay sinamahan ni Buenavista Guimaras Mayor Eugene Reyes ay tiningan nila ang site na posibleng pagtayuan nito.

Nasasabik na ang mga residente ng Guimaras na masimulan at matapos ang itatayong tulay dahil isa itong malaking tulong sa turismo na mapadali sa kanilang byahe lalo na kung malakas ang alon o masama ang panahon.

Ang tulay na magkokonekta sa Iloilo papuntang Guimaras ay may haba ng 2.6 kilometro ay balak simulan sa last quarter ng susunod na taon.

Samantala, kinakailangan umano ang P27 Billion budget para sa proyektong ito ayon sa National Economic Development Authority Region 6.


No comments:

Post a Comment