YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 29, 2017

Isa patay, apat sugatan sa nangyaring vehicular accident kagabi sa Ambulong

Posted September 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Dead on Arrival o DOA ang 67-anyos na si Tony Sultan, isang muslim ng ito ay aksidenteng nabangga ng Solar E-trike ng Star 8 na minamaneho ni Lazaro Daguno, 47-anyos na umano’y nawalan ito ng preno habang binabagtas ang pababang porsyon ng Sitio Ambulong, ManocManoc kagabi.

Kinilala naman ang apat na sugatan na sina Norbero Villamor, 48-anyos, Eric Roberto, 39-anyos, Abdani Balangue, 16-anyos at Shailyn Ninto, 14-anyos.

Duguan naman dinala ang mga biktima sa iba’t-ibang klinika sa isla subalit ini-refer din ang ilan sa mga ito sa bayan ng Kalibo dahil sa natamong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sa salaysay ng driver na si Daguno sa Yes The Best, pababa na ang kanyang minamanehong trike sa bahagi ng Mandala Spa ng bigla umanong nawalan ng break kung saan nasagi nito ang mga biktima habang pilit nitong kontrolin ang kanyang manibela.

Nasagi muna nito ang dalawang motorsiklo at nasagasaan ang dalawang estudyante bago tinumbok ang kanang bahagi ng kalsada kung saan doon nakatayo ang biktimang si Sultan bago sinadya niyang ibangga sa poste.

Dagdag pa ni Daguno, binagga niya ang poste para hindi na makadamay ng mga nakakasalubong na mga sasakyan at mga tao sa lugar.

Labis naman ang pagdadalamhati ng naiwang pamilya ni Sultan dahil sa kanyang sinapit.

Samantala, bulontaryong sumuko si Daguno sa himpilan ng pulisya at ngayo’y naka-kulong sa lock-up cell ng Boracay PNP.

Habang sinusulat itong balita wala pa kaming nakukuhang update kung kamusta na ang kalagayan ng apat na biktima pagkatapos ng kanilang sinapit na disgrasya kagabi.

No comments:

Post a Comment