YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 29, 2017

Mga magpapakasal inimbitahan sa Kasalang Bayan ng HRP Boracay

Posted September 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nakatakdang magsagawa ng “Kasalang Bayan” ang Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Boracay sa susunod na taon.

Hinikayat ni Mylin Escultor, Parish Secretary ng HRP Boracay ang mga hindi pa kasal at balak mag-pakasal na magpa-rehistro at maging bahagi sa aktibidad na magbubukod sa kanilang pagsasama.

Ani Escultor, magdala lang ng Birth Certificate, Baptismal at Confirmation Certificate at palista na sa kanilang opisina sa simbahan para mapasama sa Kasalang Bayan  na mangyayari sa ika-10 ng Enero ng susunod na taon.

Bukas daw ito sa lahat ng mga wala pang-gatos sa kasal dahil wala na umanong bayarin at sagot na ang kanilang pagkuha ng Marriage License at Cenomar.

Dagdag pa nito, pati ang reception at pagkain ay sagot na ng magso-sponsor ng Kasalang Bayan kung saan patuloy ang registration hanggang Oktubre 16.

Pina-alalahan din ni Escultor sa mga magpapa-rehistro na magdala agad ng photo copy ng kanilang mga requirements para ito ay kanilang makompirma at hindi mahirapan sa pagkontak kung sila ba ay matutuloy sa pagpapakasal.


No comments:

Post a Comment