YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 27, 2017

DPWH, ipapatawag sa susunod na sesyon ng SB Malay

Posted September 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorDahil sa lubak at hindi parin naaayos na kalsada sa area ng Caticlan sa bayan ng Malay, nais ngayon pagpaliwanagin ng Sangguniang  ang pamunuan ng DPWH.

Dismayado si LIGA President Julieta Aron sa kasalukuyang sitwasyon nila sa Caticlan partikular ang national road malapit sa palengke ito’y dahil nitong nakalipas na araw ay mayroon umanong nadisgrasya habang dumadaan sa lugar.

Ayon kay Aron, may request na sa Office of the Mayor para ma-construct na ang kalsadang lubak-lubak na labis na pahirap sa mga dumadaan lalo na sa turistang pumupunta sa isla ng Boracay subalit wala pa ring development mula sa DPWH.

Para malinawan ang mga miyembro ng SB, napagdesisyunan ng mga ito na imbitahan ang DPWH sa susunod na sesyon upang pag-usapan itong isyu.

Kung matatandaan, nagpadala na ng sulat si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella sa Lokal na Pamahalaan ng Malay sa kahilingan ni Mayor Ceciron Cawaling para sa pagsasa-ayos ng lubak na kalsada at pag-paganda ng kalsada pati na ang drainage system at mga signages na ilalagay sa lugar.

Sinasabing naglaan na ng P8 Million budget ang DPWH na direktang nasa control ng provincial government ng Aklan.

No comments:

Post a Comment