Posted December 27, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Isa nang bangkay ang lalaking
therapist ng matagpuan ito sa isang boarding house sa Sitio Bolabog, Brgy.
Balabag, Boracay noong Disyembre a-bente tres.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nasa state of
decomposition na umano ang naturang bangkay na kinilalang si John Ramy Eugenio,
23-anyos, isang therapist at residente ng Duyong, Pandan, Antique.
Nalaman na lamang ang nasabing pangyayaring ng
makatanggap ng tawag ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) magmula sa
isang concerned citizen, na agad namang nirespondehan ng mga otoridad kung saan
tinawag din ang atensyon ng Scene of the Crime Operative (SOCO) para sa
imbestigasyon.
At base sa imbestigasyong isinagawa, napag- alaman na ang
dahilan umano ng pagkamatay nito ay dahil sa Cardiovascular Arrest.
Bukod dito, ayon sa SOCO, nasa apat hanggang limang araw
ng patay ang biktima.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawa nilang
imbestigasyon kaugnay sa naturang pangyayari.
No comments:
Post a Comment