Posted December 27, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nabatid na inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang
budget noong nakaraang Disyembre 23, ayon kay Vice Governor Reynaldo “Boy”
Quimpo, na nagsilbing presiding officer.
Magugunitang nasa P1.5 billion ang budget ng Provincial
government ngayong taon.
Ayon naman kay Quimpo, para sa taong 2017, ang perang
ilalaan sa general fund ay nagkakahalaga ng P1, 062,207,833 habang ang Economic
Enterprise Development Office budget naman ay aabot ng P752, 598,500.
Samantala, pormal namang tinanggap ni Gov. Florencio
Miraflores ang budget sa harap ng mga Provincial Local Finance Committee o
PLFC.
No comments:
Post a Comment