Posted December 27, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Maraming motorista at mga
driver ngayon sa Bayan ng kalibo ang nagrereklamo matapos na mamataan ang mga
pasaway na tumatawid habang ang traffic lights ay nagpapahiwatig pa na bawal
ang pagtawid.
Ayon sa Kalibo PNP, ito umano ang isa sa kanilang
tinututukan lalo’t ang ilan sa mga pedestrian ay parang hindi pa alam ang
kakaharaping penalidad sakaling lumabag.
Nakasaad sa existing ordinance ng LGU Kalibo na
magmumulta ng dalawandaang piso ang sinumang mag-jaywalking o tumawid sa hindi
tamang tawiran.
Dahil dito, aasahan umanong pagpasok ng taong 2017 ay
mag- uumpisa na ang pagticket sa mga pasaway at lalabag dito nang sa ganun ay
mabigyan ang mga ito ng leksyon at maiwasan na rin ang disgrasya
No comments:
Post a Comment