Posted December 29, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Malaki umanong tulong sa turismo ng Western Visayas ang
nakatakdang pagpapatayo ng inter-island bridge na magkokonekta sa
Iloilo-Guimaras, Negros Occidental at Cebu.
Ito ang ipinaabot na mensahe ni Department of Tourism
(DOT) 6 Regional Director Helen Catalbas hinggil sa nasabing proyekto.
Sinabi nito na magiging madali na ang pagbiyahe sa mga
isla, at yaong mga biyahero din mula sa isang lalawigan patungo sa isa pang
lugar.
Bukod dito, ito umanong pagkokonekta sa naturang tulay ay
magiging daan din tungo sa pagpapalago ng marketing promotions ng mga isla.
Nabatid na nasa 25 hanggang 30 porsyento umanong mga
domestic tourists na karaniwang nagbabakasyon ay galing sa mga karatig na
rehiyon ng Visayas.
Samantala, bukod sa malaking tulong sa turismo at sa
transportasyon, malaki rin ang magagawa nito lalo na para sa pagtransport ng
mga bilihin at iba pang mga kagamitang kailangan sa bawat isla.
hermes outlet
ReplyDeletejordan shoes
hermes belt
golden goose
off white nike
jordan 12
alexander mcqueen outlet
giannis shoes
OFF-White
bape clothing