Posted December 27, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Tiwala ang Department of
Tourism na maaabot nila ang target na 1.7 million sa taong ito ngayong umabot
na sa 1.6 million ang pumasok na turista sa isla.
Ayon kay Boracay officer-in-charge Kristoffer Leo Velete,
umaasa silang dadagsa pa ang mga turista sa nalalabing araw bago magtapos ang
taong 2016.
Base sa datos, nitong nakaraang buwan ng Nobyembre,
pumalo sa 1,585,821 ang bilang ng mga turistang nagbakasyon sa Isla kasama na
dito ang bilang ng mga foreigners na umabot sa 801,956 habang nasa 745,772
naman ang mga bakasyunistang Pilipino.
Nabatid na karamihan sa mga hotels at resorts sa isla ay
fully- booked na habang patuloy pa ring nagsisipagdatingan ang mga turista at
bakasyunista na ang ilan sa mga ito ay sa isla na sasalubungin ang Bagong Taon.
Kaugnay nito, sa nakalipas na taong 2015, ang kabuuang
tourists arrival ay umabot sa 1,560,106.
Samantala, ang mga bansang may pinakamalaking market ay
kinabibilangan ng Korea, China at Taiwan kung saan nasa 70 porsyentong mga
foreign visitors mula dito.
No comments:
Post a Comment