Posted December 29, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Matutunghayan na
naman sa nalalapit na Ati-atihan Kapuso Fiesta ang ilan sa mga hinahangaang
sikat na artista sa GMA Network sa Enero para sa Sto.Niño Kalibo Ati- Atihan Festival
2017.
Ayon kay Oliver
Victor Amoroso, Officer-in-Charge ng GMA Regional TV Department, excited na umano
ang GMA-7 na makasamang muli ang Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc.
(Kasafi) para sa taunang selebrasyon dito.
Dagdag pa nito,
nagpapasalamat umano ang GMA Regional TV sa KASAFI lalong-lalo na kay Albert Menez
Chairman ng naturang event dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila para
makapag-bigay rin ng kasiyahan sa mga deboto ni Sto. Niño.
Nabatid na, noong
Disyembre 21 nang pirmahan ni GMA RTV Iloilo/Bacolod Regional Manager Jonathan
Cabillon at KASAFI Chairman Albert Menez ang kanilang partnership deal.
Kaugnay nito, ang
Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Martin Del Rosario ang magbibigay
saya sa kanilang mga tagahanga sa Kapuso Fiesta at Kalibo Pastrana Park sa
Enero 10.
Bukod dito, a-abangan
din si GMA Artist Talent Center James Wright na makakasama sa araw ng Mutya it
Kalibo Ati-Atihan pageant and coronation night sa ABL Sports and Cultural
Center sa Enero 6 na siyang pinaka-aabangan kompetisyon para sa tatanghaling Mutya
it Kalibo Ati-Atihan 2017.
No comments:
Post a Comment