Posted December 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Posibleng
ipangalan sa yumaong si Atty. Allen Quimpo ang Bakhawan Eco-Park at Aklan State
University.
Ito ang naging
mensahe ni Aklan Press Club Chairman Emeritus Juan “Johnny” Dayang sa
isinagawang necrological service sa yumaong dating Congressman sa ABL Sports
Complex.
Nabatid na si
Quimpo ang nagpasimula ng pagtatanim ng bakhawan noong 1990 sa Barangay New,
Buswang, Kalibo na tinawag na Bakhawan Eco-Park at isa na ring reforestation
site.
Si Atty. Quimpo
rin ang dahilan kung bakit naitatag ang paaralan ng Aklan State University
(ASU) noong siya pa ang naglilingkod bilang kongresista ng Probinsya.
Bukod dito,
nakapaloob din sa proposal ni Dayang na ipapangalan rin kay Atty. Quimpo ang
School of Mass Communication ng Northwestern Visayan Colleges.
Kaugnay nito,
itong pagkilala sa yumaong Presidente ng Northwestern Visayan Colleges ay
bilang pagbibigay pugay sa kanyang nagawa sa Probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment