Tuesday, October 27, 2015

Contruction worker, nasagip sa pagpapakamatay sa Boracay

Posted October 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportDuguan ang leeg ng lalaki matapos itong magbigti dahil sa umanoy may ibang kinakasama ang kanyang asawa sa Brgy. Manoc-manoc Malay, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Michael Bryan Balanding construction worker sa isang site sa isla.

Ayon sa report  ng isang Security Head na si Philippe John Mijares sa Boracay PNP, may nag-sabi umano sa kanila na itong biktima ay naliligo na sa kanyang sariling dugo habang nakahiga.

Nabatid na tinali ng biktima ang kanyang leeg at binalutan ng tela dahilan para itoy magdugo.

Agad namang pinag-tulungan ng kanyang mga kasama sa trabaho ang biktima para madala sa malapit na pagamutan pero nag-desisyon din ang doktor na dalhin ito sa ospital sa bayan Kalibo para mabigyan ng karampatang medikasyon.

Napagalaman na ang biktima ay may problema sa kanyang pamilya, na kung saan ang misis nito sa ibang bansa ay may iba umanong kinakasama.

No comments:

Post a Comment