Monday, October 26, 2015

Aklanon pinaalalahanan ng DTI sa pagbili ng mga Christmas lights

Posted October 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for christmas lightsNag-paalala ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan sa mga mamimili ng mga dekorasyon para sa pasko lalo na ang Christmas lights.

Ayon sa DTI-Aklan, dapat umanong mayroong Import Clearance Certificate (ICC) ang kanilang bibilhing Christmas lights para maging hazard-free holiday sa kapaskuhan.

Dapat din umanong maging vigilant sa pamimili ng Christmas lights na kanilang gagamitin sa kanilang mga tahanan para maging ligtas ang kanilang pamilya sa kapahamakan.

Kabilang dito, pinagbawalan din ng DTI ang mga mamimili na bumili ng mga mumurahing Christmas lights ngunit may ICC dahil ito umano ay peke at hindi nakapasa sa DTI’s mandatory safety tests.

Nabatid na nakatakdang mag-monitor sa mga pamilihan ang DTI para masigurong ligtas ang mga mamimili at upang maiwasan ang pagkalat ng mga pekeng Christmas ligtas na nagiging sanhi ng sunog.

No comments:

Post a Comment