Posted October 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumbong ng nagrereklamong si Liezel Jardiel sa Boracay
PNP, kumakain umano sila sa isang paluto service ng mapansin nito ang isang Chinese
National na kinilalang si Jhonson Sy na tila masama ang tingin sa kanyang anak
na si Kyle Romel Mcgintys.
Dito umano siya pumagitna kung saan agad umanong nagalit
ang nasabing Chinese National at bigla na lamang nagsisigaw.
Naglikha din umano ito ng takot at istorbo sa mga taong
kumakain sa lugar kung saan ikinatakot din umano ito ng kanyang 16-anyos na
anak.
No comments:
Post a Comment