Posted October 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kinilala sa report ng Boracay PNP ang mga naaresto na
sina Adrian Timbang, 26- anyos ng Sta. Cruz Lubao, Pampanga at Rose Ann Gajila,
22- anyos ng Alcantara Romblon.
Nahuli ang dalawa sa pinagsanib na pwersa ng Aklan PPO
PAIDSOTG, Boracay PNP at Malay PNP kung saan nakuha sa mga suspek ang 6 na
sachet na druga, mga drug paraphernalias, at buy-bust money na nakalagay sa
isang box.
Ang dalawa ay agad na dinala sa Kalibo at
nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs
act.
No comments:
Post a Comment