YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 28, 2015

Caticlan Jetty Port may panawagan sa mga Aklanon na dumadaan sa nasabing pantalan

Posted October 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port laneMatapos ihiwalay ang lane ng Aklanon sa mga turista na pumapasok sa Boracay sa Caticlan Jetty Port may panawagan naman ngayon ang Jetty Port Administration sa mga Aklanon.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port mahigpit na umano nila ngayong ipinapatupad ang paghahanap ng mga ID ng mga Aklanon at manggawa sa Boracay kahit nagsasalita pa ito ng linggwahing Aklanon.

Nabatid kasi na may ilang nagrereklamo kung bakit hinahanapan parin sila ng ID sa kabila na sila ay residente naman at manggawa sa probinsya.

Ngunit ayon kay Pontero ito ay isang paraan ng pagbabago nila ng sistema upang maiwasan ang mga manloloko na ayaw magbayad ng Terminal at Environmental Fee sa tuwing magbabakasyon sa Boracay kung saan nagpapanggap ang mga itong residente ng Aklan.

Maliban dito ang ID umano ay kailangang ipakita sa mga nakabantay ng turn style (Machine) para makakuha sila ng ticket na may bar code na siyang gagamitin para makapasok sa lane.

Samantala, ang paghihiwalay umano ng linya ng mga Aklanon sa mga turista ay bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng peak season ngayong Nobyembre.

1 comment:

  1. Nag lagay na nga sila ng Aklanon, residents at workers lane para mapadali byahe ngayon mahhanap ng ID na ikaw ay taga Aklan, hindi lahat ng ID may address parang ibig sabihin nito lahat ng dumadaan dito ay parang manloloko, at hinaharass ka sa sarili mo ng Bayan...

    ReplyDelete