Tuesday, August 11, 2015

Malay mayor John Yap, pinangunahan ang Synchronize scouting sa Boracay

Posted August 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ang kahalagahan sa paghahanda sa ibat-ibang kalamidad ang siyang naging mensahe ni mayor John Yap sa pagdalo nito sa Synchronize scouting sa Manoc-manoc Boracay nitong Sabado.

Sa daan-daang mag-aaral ng Manoc-manoc Elementary School at Boracay National High School na kasama sa Synchronize scouting sinabi ni mayor Yap na sa tama umanong paghahanda sa kaalaman ay mapapangalaan ang sariling kaligtasan.

Sinabi din nito na kailangan ay sama-samang maging responsible sa sariling kaligtasan kung saan dapat na din umano nila itong simulan habang sila ay bata pa.

Kaugnay nito, sumailalim naman ang mga scouting students sa orientation sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Malay kung saan isang drill din ang isinagawa ng MDRRMC bilang paghahanda sa kalamidad katulad ng lindol.

Maliban dito dinaluhan din ng BFP Boracay ang naturang programa kasama ang Philippine Coastguard at Philippine National Police na nagbigay naman ng kanilang mga useful information sa mga kabataan.

Ang Synchronize scouting ay isang programa ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan na kinabibibilangan ng Girl Scout, Boys Scout at Cabs scout of the Philippines.

No comments:

Post a Comment