Tuesday, August 11, 2015

Aklan Province, nakipagpulong sa mga Law Enforcers para sa pagdating ng “MS Legend of the Seas” sa Boracay

Posted August 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakipagpulong na ngayong hapon ang Aklan Province sa pamamagitan ng Jetty Port Administration sa mga law enforcers sa Boracay para sa pagdating ng “MS Legend of the Seas sa Biyernes.

Ito ay sa pangunguna ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang kung saan napag-usapan rito ang paghahanda sa pagdating ng nasabing barko ngayong Agosto 21, 2015 sa Boracay.

Kabilang sa mga dumalo sa isinagawang meeting ay ang Philippine Coastguard, Boracay PNP, Philippine Navy at MAP kung saan kasama rin dito ang mga concern agencies kagaya ng Red-Cross, Philippine Ports Authority, MARINA, BIHA at Malay Municipal Tourism Office.

Dito napag-usapan ang seguridad na ilalatag para sa mga sakay na pasahero ng barko, mga gagamiting bangka para sa island hopping at area kung saan dadaong ang naturang cruship.

Dahil ito ang pangalawang pagbisita ng “MS Legend of the Seas” sa Boracay kung saan nauna itong bumisita sa isla noong Oktobre 2012 tinitiyak naman ng Probinsya ng Aklan na magiging maganda parin ang pagsalubong nito sa mahigit dalawang libong pasahero ng nasabing barko.

No comments:

Post a Comment