Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sekswal na pananamantala sa mga kabataan ang isa sa
problema sa lipunan ngayon kung kayat ang Local Government Unit ng Malay at
ECPAT Philippines ay magsasagawa ng child protection orientation.
Ito ay isang araw na aktibidad na may kaugnayan sa
pagpigil sa sekwal na pananamantala sa mga kabataan sa travel at tourism
campaigned sa ibat-ibang business establishment and business sector.
Pangunahing layunin nitong aktibidad ay para matiyak ang
proteksyon ng mga kabataan sa lahat ng oras kung saan ipinapaalala rin sa mga
business sector ang tungkol sa kanilang legal at social responsibility para sa
proteksyon ng mga kabataan sa travel at tourism.
Samantala, ang nasabing orientation ay gaganapin ngayong
araw Agosto 13, 2015 sa La Carmela de Boracay.
No comments:
Post a Comment