Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maliban sa tatlong brgy. sa bayan ng Malay, palalawakin
na rin ngayon sa buong probinsya ng Aklan ang business operation ng Boracay
Water.
Ito’y matapos pumirma ng Memorandum of Understanding ang
Boracay Water at ang Provincial Government ng Aklan para mapalawak ang kanilang
operasyon.
Ayon kay Boracay Water General Manager Joseph Michael
Santos, ito umano ay isang mahalagang sangkap para maipagpatuloy ang tourism at
economic opportunities kabilang na ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa
tubig.
Sinabi pa ni Santos na umpisang magsimula ang kanilang
operasyon noong 2010 ay ipinakita ng Boracay Water ang kanilang suporta sa
patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Aklan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mga proyekto na nagkakahalaga sa higit na P1 billion.
Samantala, ang dati umanong water supply capacity na 14.5
million liters bawat araw ay magiging 20 MLD na ito bago matapos ang taong 2015
dahil sa kanilang patuloy na construction sa Nabaoy river kung saan sila
kumukuha ng water supply.
No comments:
Post a Comment