Wednesday, August 12, 2015

Patay na katawan ng isang ginang nakitang palutang-lutang sa dagat

Posted August 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for nalunodWala ng buhay ng makita ang katawan ng isang ginang na palutang-lutang sa dagat sa Brgy. Gibon bayan ng Nabas, Aklan.

Ang biktimang si Carmen Rada, 57-anyos at residente ng nasabing lugar ay nakitang palutang-lutang sa ilog ng mga residente ng Gibon base sa blotter report ng Nabas PNP Station.

Lumilitaw naman sa embistigasyon ng Nabas PNP na laging naglalasing ang biktima kung saan palagi rin umano itong umaalis tuwing gabi at kung saan-saan pumupunta ngunit hindi naman nila matukoy kung may pinagdadaaan itong problema dahil kadalasan ay tahimik lang din ito.

Lumalabas pa sa report ng mga pulis na ito ay nakipag-inuman muna sa kanyang live-in partner bago nagtungo sa baybayin kung saan ang posibleng kalasingan ang siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman na ang biktima ay hiwalay na sa kanyang asawa tatlong taon na ang nakakaraan habang mayroon din silang mga anak.

No comments:

Post a Comment