YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 04, 2014

Top 11 Most Wanted Person sa listahan ng BTAC, arestado

Posted December 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naaresto kahapon ng hapon ang top 11 most wanted person sa listahan ng BTAC.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang akusado na si Jicky Ambito, 22 anyos ng Jugas New Washington Aklan na may kasong Qualified Theft at naaresto sa harapan ng isang fast food chain sa Manoc-Manoc Boracay.

Ang nasabing warrant ay inisyu ni presiding judge Hon. Ronald Exmundo ng RTC, 6th Judicial Region, Branch 4 Kalibo Aklan.

Samantala, nakatakdang dalhin si Ambito sa bayan ng Kalibo para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment