YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 03, 2014

British National nabiktima ng magnanakaw sa Boracay

Posted December 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang turistang British National ang nabiktima ng magnanakaw sa isla ng Boracay kaninang madaling araw.

Sa police report ng Boracay PNP kinilala ang nabiktimang si James Hooper, 47-anyos isang British National at temporaryong nanunuluyan sa isang Apartment sa Sitio. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa salaysay nang biktima nagising na lamang umano siyang nawawala na ang kanyang isang short, isang knapsack na naglalaman ng wallet na may perang P8,000 at ilang mahahalagang ID, ATM Card at headphone at iphone cable.

Nabatid na hindi umano siya sigurado kung naisara niya ang pintuan ng kanyang kwarto bago ito matulog dakong alas-10:30 ng gabe.

Kasabay nito nagising na lamang umano itong biktima dahil sa narinig na sigaw mula sa ikalawang palapag ng kanilang inuupang apartment kung saan may nakita umano itong isang lalaki na umaakyat sa nasabing gusali at nais pumasok sa kanyang kwarto.

Dahil sa nasabing insidente masusi ngayong nagsasagawa ng embistigasyon ang Boracay PNP hinggil sa agarang pagkadapik sa responsabli sa nasabing nakawan.

No comments:

Post a Comment