YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 04, 2014

Mga nagrereklamong 4P’s beneficiaries sa Malay, nangangamba parin kaugnay sa kanilang cash grant

Posted December 4, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nangangamba parin kaugnay sa kanilang cash grant ang mga nagrereklamong 4P’s beneficiaries sa Malay.

Base sa pinakahuling text message nila sa himpilang ito, mukhang ire-release umano bukas ang pera para sa mga Yolanda victims matapos magsagawa ng session nitong nakaraang Lunes ang lahat ng mga barangay sa bayan.

Inaasikaso na rin umano ng ibang barangay na mabigyan ng pera ang mga calamity victims sa kanilang lugar, subali’t mistula namang nawawalan na rin sila ng pag-asa sa Poblacion Malay lalo pa’t walang nag-aasikaso ng kanilang problema.

Samantala, bagama’t tumanggi para sa isang interview si MSWD o Municipal Social Welfare and Development-Officer In Charge Madel Dee Tayco tungkol dito, sinabi niya kahapon na hinahanapan narin nila ng paraan upang maayos sa listahan ang mga pangalan ng mga Yolanda victims.

No comments:

Post a Comment