YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, December 04, 2014

HRP Boracay, isinama sa prayer intentions ang panalangin para sa Bagyong Ruby

Posted December 4, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isinama sa prayer intentions ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay ang panalangin para sa Bagyong Ruby.

Bago magsimula ang regular mass kahapon ng hapon sa HRP Boracay, sinabi ni Fr.Nonoy Crisostomo na dapat magdasal upang maging ligtas ang lahat sa hagupit ng bagyo.

Magugunitang naging evacuation center ang simbahan nang bayuhin din ng Bagyong Yolanda ang isla ng Boracay.

Samantala, bagama’t hindi kasama sa pagpupulong kahapon ng Boracay Action Group ang simbahan, tiwala naman si Crisostomo para sa kaligtasan ng Boracay dahil kapangyarihan ng pagdarasal.

No comments:

Post a Comment