YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 01, 2014

Kauna-unahang beach front flag raising ceremony ng BAG, ginanap sa station 2 Boracay

Posted December 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang kasaysayan na naman ang naganap kaninang umaga sa station 2 Balabag Boracay kasabay ng pagdiriwang ng World Aids Day.

Doon kasi idinaos ang kauna-unahang joint flag raising ceremony ng BAG o Boracay Action Group kasama ang LGU Malay.

Tampok sa nasabing aktibidad ang pormal na pagkakaroon ng command center ng BAG sa boat station 2.

Pinangunahan naman ng Boracay Tourist Assistance Center ang flag raising ceremony na sinundan ng pagbibigay ng mensahe ni Mayor John Yap.

Ayon sa alkalde, mananatiling masigla ang turismo ng isla kapag nagtutulungan ang lahat ng sektor.

Sinabi pa ng alkalde na kanilang lalong pagagandahin ang nasabing command center.

Nabatid na, halos 100 porsiyento naman ang attendance ng mga miyembro ng BAG sa kabila ng pagkka-reschedule nito nitong buwan ng Nobyembre.

Ginanap ang Joint Flag Raising Ceremony ng Boracay Action Group sa Balabag Plaza tuwing ikalawang Lunes ng buwan.

No comments:

Post a Comment