YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 03, 2014

Bagong Commander ng Philippine Army sa Boracay, mainit na tinanggap

Posted December 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mainit na tinanggap sa isla ng Boracay ang bagong commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Philippine Army Boracay.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony sa Station 2 Balabag Boracay, ipinakilala ni Malay Mayor John Yap si Capt. Hans Oliver Beerneza ng 3rd Infantry Division of the Philippine Army Boracay Detachment sa mga miyembro ng Boracay Action Group (BAG).

Kaugnay nito, muling namang hinikayat ng alkalde ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno sa Boracay, maging ang mga pribadong sektor na magtulungan para sa ikabubuti ng isla.

Samantala, sinubukan ding kunan ng pahayag ng himpilang ito si Capt. Beerneza, subalit ayon sa kanilang himpilan ay nasa isa pa itong pagtitipon.

Sa kabila nito, ipinaabot naman ng Philippine Army Boracay ang kanilang pasasalamat sa kooperasyong kanilang natatanggap para mabantayan ang seguridad sa isla.

Nabatid na nakadestino naman ngayon ang dating commander ng Philippine Army sa Boracay na si Captain Florante Mabalot sa 12th Infantry Battalion sa Banga, Aklan na siyang pinalitan ni Beerneza.

No comments:

Post a Comment