YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 02, 2014

Pera at radyo natangay ng magnanakaw sa isang boutique sa Boracay

Posted December 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang boutique sa isla ng Boracay ang nilooban ng magnanakaw kaninang umaga.

Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang nagrereklamong si Juliet Laurencio, 42-anyos ng Laserna, Nabas, Aklan at isang saleslady.

Base sa salaysay ni Laurencio binuksan niya umano ang boutique kaninang alas-8:30 ng umaga kung saan nagulat na lamang umano ito na nakausli na ang pako sa padlock ng kanilang pintuan.

Sa pagpasok nito dito niya nadiskobrehan na nawawala na ang ilang daang perang nakalagay sa drawer ng kanilang dalawang lamesa kasama ang isang FM Radio.

Nabatid na dakong alas-9 niya isinara kagabi ang nasabing boutique ngunit ng dumating ito kanina ay nakabukas na ito at doon na nawawala ang nasabing pera at radyo kung saan may natagpuan ding mga upos ng sigarilyo sa loob.

Samantala, nababahala naman ang Boracay PNP sa sunod-sunod na kaso ng nakawan sa isla ng Boracay kung saan kadalasang nabibiktima dito ay ang mga maliliit na tindahan.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring kaso at sa agarang pagkahuli sa suspek.

No comments:

Post a Comment