YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 11, 2014

(Update) Away sa lupa, itinuturong dahilan sa nangyaring pamamaril sa Unidos, Nabas, Aklan

Posted June 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Away sa lupa ang itinuturong dahilan sa nangyaring pamamaril sa Unidos, Nabas, Aklan nitong nakaraang Lunes ng gabi.

Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP Station, may alitan na ang pamilya ng napatay na si Ropel Berondo at ang pamilya ng suspek.

Base umano ito sa salaysay ni Barangay Captain Dante Berondo, isa sa mga tinamaan ng pamamaril na kasalukuyang ginagamot sa provincial hospital sa Kalibo.

Nakatanggap na rin umano ng pagbabanta sa buhay ang mga biktima mula sa pamilya ng suspek bago ang pamamaril, subali’t hindi nila ito pinansin.

Samantala, patuloy parin ang man hunt operation ng mga taga Nabas PNP upang madakip ang suspek na kaagad tumakas matapos ang krimen.

Magugunitang naglalaro ng bilyar ang mga biktima nang pagbabarilin ng suspek nitong Lunes ng gabi na ikinasawi ng isa, at ikinasugat ng nasabing kapitan at dalawang minor de edad. 

No comments:

Post a Comment