YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 10, 2014

Isang sikat na actress sa Singapore, nag-pictorial sa Boracay

Posted June 9, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masayang ibinalita ng Department of Tourism (DOT) Boracay na isang sikat na actress mula Singapore ang nag-pictorial kanina sa Boracay.

Ayon kay DOT Boracay Officer In Charge Tim Ticar, ang ginawang swimsuit pictorial ng mga Singaporean celebrities kabilang ng sikat na Chinese Singaporean actress na si Ann Kok at sampung iba pa ay para sa isang sikat rin na magazine sa kanilang bansa.

Ayon pa kay Ticar, ikinatuwa din umano nila na may direct flight ang Boracay papuntang Singapore.

Isa rin umano ito sa mga dahilan upang magkaroon sila ng ugnayan ng National Tourism Department ng nasabing bansa at ma-e-promote din ang isla ng Boracay doon.

Samantala, umaasa naman si Ticar na mas lalo pang umusbong ang turismo sa isla ng Boracay bilang isa sa mga dinadayong “Beach Destination” at paboritong puntahan ng mga sikat na personalidad.

Patuloy din umano ang kanilang pagsasagawa ng iba’t-ibang mga programa para sa patuloy na pag-unlad ng turismo sa isla lalo na sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment